pakiramdam natin mas masaya ang walang pasok dahil hindi kailangan mag-aral, at wala ka ring iisipin kung babagsak ka ba o papasa ka.
para sa iba, mas masaya ang walang pasok dahil magagawa na nila ang gusto nila. makakapag laro na sila ng mas madalas , makakatulog pa ng mas mahaba, at higit sa lahat maaaring makasama ang pamilya ng mas matagal.
pero ang hindi mo alam, pakiramdam mo lang yan lahat, akala mo lang makakasama mo ang pamilya mo ng mas matagal pero nananaginip ka lang ... kasi magkakasama lang kayo kung pupunta kayo sa ibang bansa o magbabakasyon sa ibang lugar... dahil kung hindi nasa trabaho si tatay, nasa trabaho naman si nanay, si ate ay umalis kasama ang barkada, si kuya ay umalis para magbasketball, kaya parang hindi mo pa rin kasama ang iyong buong pamilya dahil laging may kulang.
minsan mas masarap ang may pasok dahil may ginagawa ka, pag nag babakasyon ka minsan ay wala kang magawa dahil hindi mo alam ang iyong gagawin...
kapag walang pasok, ang pagtulog ng matagal ay resulta narin ng pagiging tamad, at ang paglalaro ng matagal minsan ay nakaka-adik.
kaya kapag may gusto ka gawin, dapat may limitasyon ka. wag labis, at wag rin naman kulang. huwag puro aral, huwag rin puro laro, dapat ay balanse.
sa mundong ito dapat lahat ng bagay ay balanse, dahil kapag hindi balanse ang mga bagay-bagay , siguradong hindi maganda ang kalalabasan nito....
*my first entry here, and i jus tried to typed in something ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento