minsan masaya
minsan malungkot
pero kahit masaya ka na
'd ka pa rin kuntento sa kung anung meron ka
'd mo masabi kailan ka magiging masaya
o kailan ka magiging malungkot
at 'd mo rin masabi kung kailan ka mawawala
kaya habang andyan ka pa
gawin mo lahat ng gusto mong gawin
'wag palagpasin ang bawat pagkakataong dumating sa iyo
dahil baka dumating ang araw na magsisisi ka
na 'd mo sinunod ang puso mo
pero may mga bagay na dapat hindi lng puso ang pa-iralin
kundi pati rin ang isip
dahil kung minsa'y mali ang itinuturo ng puso
ang puso, yan ang taksil
minsa'y kapahamakan lang ang dinudulot nito
lalo na
'pag tayo'y nagmamahal
hindi masamang magmahal
pero masama na kapag sobra
ang pag-ibig ay bahagi na ng ating buhay...
'd natin ikaka-ila iyon
merong pag-ibig para sa magulang, kamag-anak, kaibigan.....
at meron din naman na pag-ibig
para sa isang tao na napaka-espesyal sa iyo
masaya ang umibig
nagbibigay ito ng inspirasyon
pero minsan dahil sa labis na pagmamahal
hindi na siya isang inspirasyon
kundi isang bangungot na hindi ka makawala
masarap ang magmahal
pero minsan ay nagdudulot ito ng sakit
na minsa'y hindi na kayang tiisin
kaya nakakaisip na magpakamatay na lamang
at ang iba'y nalululong sa msamang bisyo
tulad ng pag-inom ng alak
o pag inom ng bawal na gamot
may tao namang gagawin ang lahat
basta maging masya ang kanilang minamahal
at meron namang mga tao
na ayaw pakawalan ang kanilang mahal
at ginagwa nila ang lahat mkuha lang ang kanilang mahal
kahit na alam nilang wala itong pagmamahal para saknla
pero ang lahat ng hirap sa buhay ay pagsubok lamang
na dapat nating lagpasan
at dapat rin nating tiisin
para maging matatag......
